Korupsiyon
‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗‗
❝Ang namulat ay hindi na muling pipikit❞
kahulugan • halimbawa • epekto • solusyon
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
•kahulugan
Ang korupsiyon ay isang pangkalahatang suliranin sa Pilipinas na nangangailangan ng agarang aksyon. Ngunit, ano nga ba ang korupsiyon?
Ang korapsyon ay tumutukoy sa kawalan ng integridad at katapatan ng isang opisyal sa kanyang sinasakupang lunsod, bayan, o bansa. Ito ay ang pag-abuso ng pampublikong kapangyarihan para sa sarili nitong pakinabang. Isang halimbawa nito ay ang pagnanakaw ng pera na nagmula sa gobyerno at ginagamit ito sa ibang bagay na hindi makakabuti para sa lugar na sinasakupan.
•halimbawa* Kawalan ng sapat na pagpapatupad ng mga batas at patakaran ng gobyerno
-kawalan ng disiplina.
* Patuloy na kawalan ng suporta para sa karapatang pantao
-Dahil sa labis na kapangyarihan ng ilang tao sa lipunan, nawawalan ng boses ang karamihan ukol sa mga isyu na nakakaapekto sa kanila.
* Pandaraya sa halalan at eleksyon
-Isa sa dahilan ang pera kung bakit maraming government opisyals ang nananalo.
* Panunuhol
-Pagsusuhol sa isang pampublikong opisyal upang iwasan ang mga lokal na batas. Gustong pagtakpan ang isang empleyado o pagkakamali sa negosyo. Pagsusuhol sa isang miyembro ng mas mataas na awtoridad upang makakuha ng pagtaas ng suweldo.
* Pang-aabuso sa kapangyarihan.
Ang pagiging ganid sa pera at kapangyarihan ay ang ugat ng lahat ng kasamaan.
Ang mga kadalasang korap ay ang mga politiko o empleyado ng gobyerno na hindi nakukontento sa kung ano ang kinikita nila sa pagtatrabaho, kung minsan ay dala ng matinding pangangailangan sa pera.
•epekto
*Kawalan ng Tiwala sa pamahalaan
Ang kawalan ng tiwala sa pamahalaan ay maaaring magdulot ng malubhang epekto sa lipunan, kabilang ang pagbaba ng suporta para sa mga programa ng pamahalaan, hindi epektibong implementasyon ng mga polisiya, at pagsanib ng pag-aalala hinggil sa transparency at accountability.
*Pag-urong ng ekonomiya
Kapag may katiwalian, maaaring magkaroon ng hindi tamang paggamit ng pondo ng gobyerno, pag-alsa ng presyo, at hindi epektibong implementasyon ng mga proyekto, na maaaring magbunga ng pag-urong ng ekonomiya.
*Pagnakaw ng yaman ng bayan
Ang mga mapanlinlang na gawain tulad ng pandarambong, nepotismo, at iba pang uri ng korapsyon ay nagreresulta sa pag-angkin ng ilang tao o sektor ng yaman ng bayan para sa sariling interes.
*Pang-aapi sa mahirap
Ang pondo ng gobyerno na dapat sana'y para sa mga proyektong makakatulong sa mga mahihirap ay maaaring mapunta sa bulsa ng ilang mapanlamang na opisyal. Ito'y nagreresulta sa hindi sapat na serbisyong panlipunan, edukasyon, kalusugan, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga nasa mas mababang antas ng lipunan.
*Pagbaba ng kalidad ng serbisyong pampubliko
katiwalian sa loob ng pamahalaan ay maaaring magresulta sa hindi epektibong pagbibigay ng serbisyong pampubliko.Ang korapsyon, tulad ng pandarambong o hindi tamang paggamit ng pondo ng gobyerno, ay maaaring magkaruon ng malawakang epekto sa kalidad ng serbisyong ibinibigay ng pamahalaan.
•solusyon
Ang dagdag kaalaman ay isa sa ating pinaka-importanteng solusyon laban sa mga suliranin. Bilang mamamayan ng isang bansa, tayo ay dapat magtulong-tulong upang maimulat ng ating mga kababayan ang kanilang mga mata sa katotohanan. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal "Ang kabataan ang pagasa ng bayan." Kaya naman patuloy natin ipaglaban ang ating kalayaan upang makalaya tayo sa kadena ng kasakiman at magkaroon ng masaganang ekonomiya.
sources:
https://opinyonijuan.medium.com/epekto-ng-korupsyon-sa-paglago-ng-ekonomiya-ng-pilipinas-cf75f9fe3314#:~:text=Ang%20epekto%20ng%20korupsyon%20sa,trabaho%20at%20oportunidad%20sa%20negosyo.
https://www.scribd.com/presentation/431346299/KORAPSYON-pptx
https://www.slideshare.net/AngelMae16/korapsyon-isyung-panlipunan
Comments
Post a Comment